Advanced Media Broadcasting System
| Uri | Pribado |
|---|---|
| Industriya | Pagsasahimpapawid |
| Itinatag | 1994 |
| Tagapagtatag | Jose Luis "Bobet" Vera Jinji Buhain |
| Punong-tanggapan | 9/P Paragon Plaza, EDSA cor. Reliance St., , |
Pangunahing tauhan |
|
| Produkto | All Radio 103.5, ALLTV |
| May-ari | Prime Asset Ventures, Inc. |
| Magulang | Planet Cable (Streamtech) |
| Websayt | alltv.ph |
Ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid. Itinatag noong 1994 ng pamilya Vera, kasalukuyang pagmamay-ari ito ng Prime Asset Ventures ng Villar Group sa pamamagitan ng Planet Cable.
Kasaysayan
Mga simula
Itinatag ang Advanced Media Broadcasting System noong 1994 sa pangunguna ng pamilya Vera. Noong 1995, ipinagkaloob ng Kongreso ang prangkisa ng kumpanya.[1] Sa tulong ni Jinji Buhain (na pamangkin ng dating Manila Auxiliary Bishop Teodoro Buhain), binili ng AMBS ang himpilang DWCS 103.5 mula sa Arkdyosis ng Maynila , at pinalitan ang tatak pantawag ng himpilan patungo sa DWKX, na nagbigay-daan sa pagsasahimpapawid ng himpilang K-Lite. Ang istasyon, kabilang ang apat pang istasyong kontrolado ng pamilya Vera sa kalakhang Maynila - (Jam 88.3, Wave 89.1, Magic 89.9 at 99.5 RT) at ng kalambatang pamprobinsya na Killerbee ay naging dahilan ng pagkakabuo ng The Radio Partners noong unang bahagi ng 2000s bago isinaayos noong 2011 sa ilalim ng bagong grupo na Tiger 22 Media.
Sa ilalim ng pagmamay-ari ni Villar
Noong 2019, pinagkalooban ang AMBS ng panibagong prangkisa sa ilalim ng Batas Republika 11253 kahit ito ay walang pirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil ang panukalang batas ay naging batas matapos ang 30 araw na hindi inaaksyunan.[2][3] Gayunpaman, nagpasya ang pamilya Vera at ang dating pangulo ng AMBS na si Andrew Santiago na ibenta ang kumpanya sa Planet Cable na pagmamay-ari ng negosyante at dating Senador na si Manny Villar dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 sa kumpanya at sa himpilan nito sa FM (K-Lite).[4][5]
Noong Enero 5, 2022, iginawad ng National Telecommunications Commission (NTC) sa AMBS ng pansamantalang awtoridad upang patakbuhin ang prikwensiya na digital Channel 16 (dating nakatalaga sa ABS-CBN Corporation) sa loob ng 18 buwan; kabilang ang prikwensiya ng analog Channel 2 sa ilalim ng pansamantalang pagtatalaga para sa layunin ng simulcast hanggang sa pagsasara ng analog sa 2023.[6][7]
Mayroong ilang ulat o ispekulasyon na ang AMBS ay diumano'y kumukuha ng mga prominenteng personalidad at interesadong partido para sa nasabing himpilan. Kabilang sa mga nauulat ay ang ABS-CBN, na dating umookupa sa iginawad na prikwensiya.[8]Kasama rin sa listahan ng napapabalitang kinukuha ay ang TV host at malapit na kaibigan ni Villar na si Willie Revillame.
Mga istasyon
Telebisyon
Analog
| Tatak pantawag | Tsanel | Lokasyon | Lakas | Uri |
|---|---|---|---|---|
| DZMV-TV | 2 | Metro Manila | 30 kW | Originating |
| — | 3 | Metro Cebu | 5 kW | Relay |
Digital
| Tatak-pantwag | Tsanel | Prikwensiya | Lakas | Lugar na Saklaw |
|---|---|---|---|---|
| DZMV-TV | 16 | 485.143 MHz | 10 kW (Max: 30 kW) | Metro Manila |
Radyo
| Tawag | Tatak-pantwag | Prikwensiya | Lokasyon |
|---|---|---|---|
| All Radio | DWOW | 103.5 MHz | Metro Manila |
| DXKM | 106.3 MHz | Heneral Santos |
- Mga Tala
Mga sanggunian
- ↑ "Republic Act No. 8061". The Corpus Juris. 15 June 1995.
- ↑ "Republic Act No. 11253". The Corpus Juris.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-26. Nakuha noong 2022-02-14.
{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ "House Concurrent Resolution No. 21" (PDF).
- ↑ Fernandez, Daniza (September 23, 2021). "4 broadcasting franchise applications get Senate panel's nod". Inquirer.net. Nakuha noong November 27, 2021.
- ↑ Amojelar, Darwin (January 25, 2022). "Villar firm bags NTC license, to use ABS-CBN frequencies". Manila Standard. Nakuha noong January 25, 2022.
- ↑ Rey, Aika (January 25, 2022). "Manny Villar gets ABS-CBN frequencies". Rappler. Nakuha noong January 25, 2022.
- ↑ Serato, Arniel (7 February 2022). "Is Manny Villar interested in a partnership with ABS-CBN?; eyes industry veterans for AMBS". PEP.ph. Nakuha noong 8 February 2022.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.