Akwarela

Isang dibuhistang nagpipinta ng isang larawan habang gumagamit ng mga pangulay na tinutubigan at pinsel na may bilog na hugis ang dulong buhukan.

Akwarela (Ingles: watercolor (Amerika) o Ingles: watercolour (Britanya), mula Espanyol: acuarela) ang tawag sa isang paraan ng pagpipinta na gumagamit ng mga tintang tinutubigan. Ang mismong mga pangkulay ay mga midyum o sangkap na nilalagyan muna ng tubig para muling matunaw bago mailapat sa kalatagan ng papel na magagamit sa pagguhit o pagpipinta. Bagaman karaniwang gumagamit ng papel bilang latagan ng mga dibuhong ganito, ginagamit din ang mga papiro, plastik, vellum, katad, tela, kahoy, at kanbas. Sa Silangang Asya, tinatawag ang paggamit ng ganitong tinta par sa masining na pamamaraan bilang pagpipinta sa pamamagitan ng pinsel (brush painting) o pagpipinta sa [ibabaw] ng balumbon (scroll painting). Sa pagpipinta ng mga Intsik, Koreano, at Hapones, ito ang pinakanangingibabaw o pangunahing kagamitan at karaniwang may bahid ng itim at kayumangging kulay. Sa Indiya, Etiyopiya, at iba pang mga bansa, nagkaroon din ng nakaugaliang pagpipinta sa pamamagitan ng mga daliri na ginagamitan ng mga pinturang tinutubigan na nagbuhat sa Tsina.

Hinahango ang mga pangkulay na tinutubigan mula sa mga lupa, bato, halaman, o kimikal, na tinutunaw sa tubig at pinatutuyo pagkaraan hanggang sa maging pulbos na nasa anyong mga mamon o maliliit na tabla. Kapag dinagdagan ng tubig, nagiging likidong muli ang pigmento. Ipinapahid ang mga pangulay sa puting papel o kartolina sa pamamagitan ng pinsel, tela, o bulaking lana. Kaiba sa mga pangulay na may langis o tinunaw sa langis, hindi mapapatungan ang mga pangulay na natutubigan na hindi nasisira ang dibuho o larawang ipininta, na nakasalalay ang kadalisayan sa kalinisan ng puting panlikod o pang-ilalim. Kaya't bawak pook ng isang larawang ginamit ng mga pangulay na de-tubig ay pinapahiran lamang ng isang ulit, walang pagbabago, at may anyong sariwa at orihinal, sa halip na kinukumpuni.


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.