Alipunga

Alipunga
Isang grabeng kaso ng alipunga.
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata

Ang alipunga (Ingles: athlete's foot, ringworm of the foot; katawagang medikal: tinea pedis) ay isang uri ng sakit sa balat na mayroong impeksiyon ng fungus dahil sa organismong Trichophyton.[1]

Pinagmumulan

Naihahawa ang alipunga mula sa mga lugar na mamasa-masa, katulad ng mga paliguan. Ang katawang Ingles na athlete's foot (paa ng atleta) ay dahil sa karaniwang nagkakahawahan ang mga manlalaro o mga atleta ng alipunga mula sa iisang mga paliguang ginagamit nila.[1]

Mga sintomas

Ang pagkakaroon ng alipunga ay nagsasanhi ng panunuklap ng balat (flaking) ng paa, pangangaliskis ng balat (scaling) ng paa, pangangati ng balat sa paa, pamumula, paghapdi, at pagsusugat ng paa, at pangangamoy ng paa (na ang amoy ay humahawa sa medyas) ng taong may alipunga.[1]

Lunas

Kabilang sa mga panggamot ng alipunga ang kremang panlaban sa halamang singaw (maaaring mabili lamang mula sa botika na walang reseta o mayroon namang kailangan muna ng reseta ng duktor, katulad ng isang dermatologo o iba pang espesyalistang manggagamot). Kabilang sa mga kremang panggamot sa alipunga ang Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, at iba pa. Maaari ring painumin ng manggagamot ng mga tabletang angkop sa paglulunas ng alipunga.[1]

Pag-iwas

Ilan sa mahahalagang mga bagay na nakapagpapaiwas ng pagkakaroon ng alipunga ang kalinisan sa katawan, malimit na paghuhugas ng mga kamay, pagpapalit ng mga tuwalyang pampaligo o pamunas, madalas na pagpapalit ng mga kumot o mga krema at anumang pambalot ng hinihigang kama, at palagiang pagpapalit ng mga medyas.[1]

Tingnan din

Mga sanggunian

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.