Alonghaba

Ang alonghaba ng isang along sine na λ ay maaaring masukat sa pagitan ng anumang dalawang punto na may parehong yugto(phase) gaya ng crest, trough o serong pagtawid.

Sa pisika, ang alonghaba (Ingles: wavelength) ng along sinusoidal ang periodong spasyal ng alon o ang distansiya kung saan ang hugis ng alon ay umuulit. Sa ibang salita, ito ang layo sa pagitan ng magkasunod na magkatugon na punto ng parehas na yugto sa alon, katulad ng dalawang magkatabing crest, trough o serong pagtawid. Ito ay katangian din ng parehong naglalakbay na mga alon at nakatatigil na alon gayundin ang mga paternong espasyal na alon. Ang alonghaba ay karaniwang tinutukoy ng letrang Griyego na lambda(λ). Ang konsepto ay maaari ring ilapat sa mga periodikong alon na hindi sinusoidal ang hugis. Ang terminong alonghaba ay minsan ding nilalapat sa moduladong mga alon at sa mga sinusoidal na sobre ng mga moduladong alon o mga along nabubuo ng interperensiya ng ilang mga sinusoid. Ang unit na SI ng alonghaba ang metro.

Kung ipagpapalagay na ang along sinusoidal ay gumagalaw sa isang nakapirmeng bilis ng alon, ang alonghaba ay kabaligtarang proporsiyonal sa prekwensiya o ang mga along may mas mataas na mga prekwensiya ay may mas maikling mga alonghaba at ang mga may mas maliit na mga prekwensiya ay may mas mahabang mga alonghaba.

Ang halimbawa ng mga tulad ng alon na mga penomena ay kinabibilangan ng tunog alon, liwanag at mga tubig alon. Ang isang tunog na alon ay isang periodikong pagkakaiba sa presyur ng hangin samantalang sa liwanag at iba pang mga elektromagnetikong radiasyon, ang lakas ng field na elektrika at magnetiko ay nagbabago. Ang mga tubig alon ay periodikong pagkakaiba sa taas ng katawan ng tubig. Sa bibrasyong kristal na lattice, ang mga posisyong atomiko ay nagbabago sa parehong posisyon ng lattice at panahon.

Ang alonghaba ang sukat ng distansiya sa pagitan ng repetisyon(pag-uulit) ng tampok ng hugis gaya ng tuktok, lambak, at pagtawid na sero at hindi ng sukat ng kung gaano kalayo ang isang ibinigay na partikulo ay gumagalaw. Halimbawa, sa alon sa ibabaw ng malalim na tubig, ang isang partikulo na nasa tubig ay gumagalaw sa isang bilog ng parehong diametro na tulad sa taas ng alon na walang kaugnayan sa alonghaba.

Pisika Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.