Apokripa

Ang apokripa (naging kasingkahulugan ng salitang "huwad"[1]) ay mga kasulatan na hindi tiyak ang pinagmulan at kung sino ang sumulat ng mga ito. Sa teolohiyang Hudyo-Kristiyano, tumutukoy ito sa koleksiyon ng mga kasulatang hindi kasama sa Kanon ng Bibliya. Dahil sa may iba't ibang panininiwala sa kung ano ang nararapat na kasama sa isang kanon, maraming bersiyon ng apokripong umiiral sa iba't ibang denominasyon pangpananampalataya. Apokripo ang taguri sa 14 pang mga aklat na bukod sa mga nasa Lumang Tipan at Bagong Tipan ng Bibliya, na tinatawag ding inter-testament sa Ingles (inter-testamento[2], o nasa pagitan ng mga Tipan o Testamento[3]) sapagkat nalalagay ang mga ito sa pagitan o nasa gitna[2] ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan ayon sa pagkakahanay na kronolohikal o pangkapanahunan. Sa mga panapanahon, magkakaiba ang pagtanggap ng mga Kristiyano sa bahaging ito ng Bibliya.[4]

Tingnan din

Sanggunian

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Apokripa, sa pahina 1326". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. 2.0 2.1 "Inter, between, among, nasa pagitan". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.
  3. English, Leo James (1977). "Biblical testament (testamentong biblikal, tipang pambibliya): tipan, testamento, testament, covenant, kasunduan, solemn agreement (mataimtim na kasunduan o kontrata); Lumang Tipan, Matandang Tipan, Lumang Testamento, Old Testament; Bagong Tipan, Bagong Testamento, New Testament". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  4. "Apocrypha, Bible". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.


BibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.