Apulid
| Apulid | |
|---|---|
| Pag-uuring siyentipiko | |
| Kaharian: | Plantae |
| Klado: | Tracheophytes |
| Klado: | Angiosperms |
| Klado: | Monocots |
| Klado: | Commelinids |
| Orden: | Poales |
| Pamilya: | Cyperaceae |
| Henero: | Eleocharis |
| Espesye: | E. dulcis
|
| Pangalang dalawahan | |
| Eleocharis dulcis | |
Ang apulid[1] (Ingles: Chinese water chestnut o water chestnut [karaniwang katawagan sa Ingles na ang literal na salin ay kastanyas-tubig]; pangalang pang-agham: Eleocharis dulcis) ay isang halamang kamukha ng sedge (isang tila-damong yerba) na itinatanim dahil sa mga nakakaing corm. Ang apulid ay mayroong hugis-tubo at walang-dahong mga tankay na lumalaki hanggang 1.5 mga metro. Ang iba pang mga singkahulugang pangalang ginagamit para sa apulid ay ang mga sumusunod: E. equisetina, E. indica, E. plantaginea, E. plantaginoides, E. tuberosa, at E. tumida). Ang halamang water caltrop, na tinatawag din na water chestnut sa Ingles, ay hindi kamag-anak ng apulid ngunit palagiang napagkakamalang apulid.
Ang apulid (Tsinong tradisyunal: 荸薺; Tsinong payak: 荸荠; hanyu pinyin: bíqí) ay katutubo sa Tsina at malawakang inaalagaan sa mga matutubig na mga taniman sa mga bukirin ng katimugang Tsina at mga bahagi ng Pilipinas. Mas maliliit ang mga apulid na matatagpuan sa Pilipinas. Karaniwang ipinagbibili ng sariwa ang mga ito, ngunit mayroon ding nasa lata.[1]
Ang maliit at biluging bungang corm ay may malutong at puting laman na maaaring kainin ng hilaw, bahagyang pinakuluan, inihaw, inatsara, o dinelata. Ang mga ito ay tanyag na sahog sa mga lutuing Tsino. Sa Tsina, kalimitang kinakaing hilaw ang mga ito, na kung minsan ay minamatamisan. Maaari rin silang gilingin hanggang sa maging harina para gawing mga mamon, na karaniwan nang inihahaing kasama ng mga lutuing may dim sum. Kakaiba sila sa mga gulay sapagkat nananatili silang malutong kahit man matapos maluto o maisadelata. Nagagawa nila ang katangiang ito dahil ang mga dingding ng kanilang mga selula ay magkakaugpong na parang mga krus at pinatitibay ng mga kompawnd na penoliko, isang katangiang-ari na mayroon rin sa ibang mga gulay na nananatiling malutong sa ganitong paraan, katulad ng tiger nut (tigreng mani) at ugat-lotus.[2]
Ang mga corm ay mayaman sa mga karbohidrata (mga 90 bahagdan kapag tinimbang ng tuyo), lalo na ang gawgaw o almirol (mga 60 bahagdan kapag tinimbang ng tuyo), at mainam na pinagkukunan din ng hiblang pagkain, riboplabin, bitamina B6, potasyum, tanso, at manganesa.[3]
Kapag kinain ng hindi luto, maaaring makapagdulot na sakit na Fasciolopsiasis ang pang-ibabaw ng mga halamang ito.
Tingnan din
- Mga halamang pantubig
- Water caltrop, isang halaman na tinatawag ding apulid

Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Apulid - water chestnut". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).
- ↑ McGee, Harold (2004). On Food and Cooking (Revised Edition) [Hinggil sa Pagkain at Pagluluto, Binagong Edisyon]. Scribner. pp. p. 308. ISBN 0-684-80001-2.
{{cite book}}:|pages=has extra text () - ↑ "Waterchestnuts, chinese, (matai), raw (Apulid, tsino (matai), hilaw". NutritionData.com. CondéNet, Inc. Nakuha noong Disyembre 31, 2007.
Mga talaugnayang panlabas
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.