Balite

Balite
Larawan ng Ficus benghalensis
Pag-uuring siyentipiko
Kaharian:
(unranked):
(unranked):
(unranked):
Orden:
Pamilya:
Henero:
Subhenero:
Urostigma
Uri

Maraming uri, kabilang:

  • F. aurea
  • F. benghalensis
  • F. citrifolia
  • F. elastica
  • F. macrophylla
  • F. microcarpa
  • F. pertusa
isang matandang puno ng Balete na nasa Bayan ng Baao Camarines Sur

Ang balete, balite o baliti (Ingles: fig tree o banyan tree)[1] ay isang igos na nagsimula ang buhay bilang isang epipitas (epiphyte) kapag sumibol ang buto nito sa mga bitak at siwang sa ng isang puno (o sa estruktura tulad ng mga gusali at tulay).

Mga gamit

Sa Pilipinas, itinanim ang mga balite bilang mga magandang puno sa kahabaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila at iba pang mga lungsod, at mahusay rin ang mga ito bilang mga punong silongan (shade trees).[2] Ilan sa mga uri ng punong ito ay ginagamit din sa paggawa ng bonsai sa bansa.[3][4]

Ginagamit din ang mga balite bilang mga halamang pambahay;[5] subalit, ito ang pinagmumulan ng mga panloob na household allergen na nagdudulot ng alerhiya sa paghinga (respiratory allergy).[6]

Sa kultura

Sa alamat, kasabihan, at mitolohiyang Pilipino, pinaniniwalaang may maraming enkanto iniuugnay dito tulad ng kapre, tikbalang, babaeng nakaputi, aswang, duwende at iba pa. Gayundin, may ilang naniniwala na sa loob ng mga siwang sa puno isinasagawa ang mga rituwal ng pangungulam.[7] Dagdag pa riyan, nagmumungkahi ang ilang mga matatanda na huwag gawing halamang palamuti sa loob ng bahay ang balete sapagkat nangaakit daw ito ng mga multo.[6] Dahil sa mga paniniwalang ito, kadalasang ginagamit ang balete bilang balangkas sa mga pelikulang Pilipino katatakutan.

Ang Kalye Balete sa distrito ng New Manila, Lungsod Quezon ay ipinangalan mula sa isang higanteng punong balete na dating nakatayo sa gitna ng nasabing lansangan. Sinasabing isa ito sa mga pinakaminumultong pook ng Kamaynilaan. Mula dekada-1950, lumaganap ang mga kuwento ukol sa isang babaeng nakaputi na tumatawag sa mga kotse na dumadaan diyan paggabi.[8]

Mga imahe

Mga sanggunian

  1. English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. "Ficus benjamina Linn" (PDF). Philippine Bureau of Plant Industry. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-08-12. Nakuha noong 27 Abril 2011.
  3. "Bonsai Database". Bonsai Kingdom. 4 Pebrero 2010. Nakuha noong 27 Abril 2011.[patay na link]
  4. "Bonsai in the Philippines". Bonsai in Asia Guidebook. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Septiyembre 2011. Nakuha noong 27 Abril 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= ()
  5. "Ficus Plants—How to Grow Healthy Ficus Trees". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-29. Nakuha noong 2017-02-26.
  6. 6.0 6.1 Stuart, Godofredo. "Balete". Philippine Medicinal Plants. Nakuha noong 25 Abril 2011.
  7. Brillantes, RC (5 Pebrero 2009). "The Mysterious Balete Tree"". the green cloud. Nakuha noong 27 Abril 2011.
  8. "Myths Surrounding Balete Drive". Philippine Insider. Nakuha noong 27 Abril 2011.
  9. "Sightseeing - Nature Areas and Beaches". Discover Aurora. Nakuha noong 29 Disyembre 2011.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.