Benjamin Lundy
Si Benjamin Lundy[1] (Enero 4, 1789 – Agosto 22, 1839) ay isang Amerikanong patnugot at abolisyonistang Quaker na nagtatag ng ilang mga pahayagang laban sa pang-aalipin, at nagtrabaho rin para sa marami pang iba. Malawak ang mga narating niyang mga pook para makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng pang-aalipin, at para makapagtatag ng isang kolonya kung saan maaaring makapanirahan ang mga napalayang mga alipin, sa labas ng Estados Unidos.
Talambuhay
Isinilang siya sa Sussex County, New Jersey. Bilang isang pangunahing mamamayan sa kilusan laban sa pagkakaroon at pagmamay-ari ng mga alipin, binuo niya ang Union Humane Society o Unyong Makataong Lipunan[2] noong 1815. Isa ito sa mga unang mga organisasyong laban sa pang-aalipin. Inilunsad niya rin ang The National Enquirer and Constitutional Advocate of Universal Liberty. Nakapaglakbay siya sa Haiti, Canada, at Texas mula 1825 hanggang 1835 dahil sa paghahanap ng mga pook na mapagtatagan ng malayang tahanang-lupain para sa mga negro o mga mamamayang may itim na kulay ng balat.[1]
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Benjamin Lundy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
- ↑ Literal na salin.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.