Boga

Ang boga o kanyong PVC ay isang pampaingay na tanyag tuwing nagdiriwang ng Araw ng Bagong Taon sa Pilipinas. Ipinagbabawal ang paggamit nito ng pamahalaan ng Pilipinas noon pang 2006.[1]
Nagmula ito sa lalawigan ng Cavite.[2] Yari ang boga sa tubong may kalakihan na ikinabit sa laruang baril. Nilalagyan ito ng alkohol na denatured (minsan thinner ng pintura o acetone) ang puwitan ng boga at sinsindihan sa pamamagitan ng mekanismo ng gatilyo ng laruang baril na nakakabit sa pampasiklab o sa pamamagitan ng pagpasimula ng maliit na apoy.[3] Nagdudulot ng kombustiyon ang pagsasama-sama ng hangin at gatong na nasusunog sa nakakulong na puwang ng hungkag kapag nasindihan mula sa gatilyo o kapag naapuyan ang boga na nakakalikha ng malakas at mala-ugong na ingay.
Yari ang unang yinari mula sa mga tinapyas-tapyas na lata na ikinabit sa pamamagitan ng mga tape at pinutol na mga boteng plastik. Kalaunan, naging yari na ang boga sa mga hungkag ng PVC.
Mga pagbabawal at pinsala
Nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas sa patuloy ng paggamit ng boga na tinuturing na mapanganib ang paggamit dahil sa pinsala. Noong Disyembre 27, 2005, iniutos ang pagbabawal ng boga para sa papalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon dahil sa mga kapahamakang nadudulot nito tulad ng pinsala sa mata at pamamaga ng mata.[3]
Kadalasang nasusugatan ang mukha kapag tinitingnan nang malapitan ang bogang di gumana ng gumagamit ng boga. Ayon sa tala noong Disyembre 28, 2006, 80 bahagdan ng 178 kataong nasaktan dahil sa mga paputok ay dahil sa boga.[4] Noong Disyembre 2007, binigyang-diin ng mga tinatag ng Kagawaran ng Kalusugan na bawal pa rin ang boga.[1][3]
Sa estado ng Australia na New South Wales, ipinagbabawal ang kanyong PVC bilang sandata kasama iba pang uri na dinisenyo para magbunsod ng isang bomba, granada, rocket o missile sa pamamagitan ng anumang paraan maliban sa isang sumasabog.[5]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 ""Bawal ang Boga", DOH says this holiday season". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-19. Nakuha noong 2008-12-29.
- ↑ "Pinoys find another way to welcome the New Year" (sa wikang Ingles). Manila Bulletin Online. 2005-12-31. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2008. Nakuha noong 2008-12-29.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 Santos, Tina (2006-12-27). "'Boga' may be in, but beware of consequences" (sa wikang Ingles). Inquirer.net. Nakuha noong 2008-12-29.[patay na link]
- ↑ Crisostomo, Shiela (2006-12-29). "Metro Police Chief Orders Ban on PVC Cannons" (sa wikang Ingles). Newsflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-07. Nakuha noong 2008-12-29.
- ↑ WEAPONS PROHIBITION ACT 1998 (NSW) Sched 1, s.2(3). (sa Ingles)
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.