Canberra

Canberra
Map
Mga koordinado: 35°17′35″S 149°07′37″E / 35.2931°S 149.1269°E / -35.2931; 149.1269
Bansa Australya
LokasyonAustralian Capital Territory, Australya
Itinatag12 Marso 1913
Lawak
 • Kabuuan471.78 km2 (182.16 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2014)
 • Kabuuan381,488
 • Kapal810/km2 (2,100/milya kuwadrado)
WikaIngles
Websaythttps://act.gov.au

Ang Canberra ay ang kabisera ng bansang Australya. Ang lungsod, na itinayo pagkatapos ng pederasyon ng mga kolonya ng Australya bilang luklok ng pamahalaan para sa bagong nasyon, ay pinakamalaking lungsod sa loob ng Australya at ikawalong pinakamalaking lungsod sa Australya. Ang lungsod ay matatagpuan sa hilagang dulo ng Australian Capital Territory sa hilagang dulo ng Alpes ng Australya, ang pinakamataas na bulubundukin sa buong bansa. Noong Hunyo 2022, ang populasyong tinaya ng Canberra ay 456,692.

Tumira ang mga Aboriheng Awstralyano, lalo na Ngunnawal, sa purok na pinili para sa kabisera sa loob ng 21,000 taon. Nagsimula ang paninirahang Europeo sa unang kalahati ng ika 19 na siglo, na ipinapakita ng mga nakaligtas na palatandaan tulad ng St John's Anglican Church at Blundells Cottage. Noong Enero 1, 1901, naitawid ang pederasyon ng mga kolonya ng Australya. Pagkatapos ng isang matagal na pagtatalo tungkol sa kabiserang pambansa (Sydney o Melbourne), naitawid ang isang kasunduan: itinayo ang bagong kabisera sa New South Wales, hindi bababa sa 160 km mula sa Sydney. Kaya itinayo ang kabisera, at noong 1913 pormal na pinangalanan bilang Canberra. Noong 1913 din, ang isang blueprint nina Walter Burley Griffin at Marion Mahony Griffin, dalawang arkitektong Amerikano, ay pinili pagkatapos ng isang paligsahang pandaigdig na pandisenyo, at agad na nagsimula ang konstruksiyon. Hindi pangkaraniwan kabilang sa mga lungsod ng Australia, ito ay isang ganap na binalak na lungsod. Ang plano nina mga Griffin ay nagtampok ng mga heometrikong motif, at isinentro sa mga aksis na inihanay ayon sa mahahalagang topograpikal na palatandaan tulad ng Itim na Bundok, Bundok Ainslie, Burol ng Kabisera, at Burol ng Lungsod. Dahil sa bulubunduking lokasyon ng Canberra, ito lamang ang pangunahing lungsod sa Australya kung saan makikita ang mga bundok na puno ng nyebe sa taglamig, ngunit ang nyebe sa mismong lungsod ay hindi pangkaraniwan.

Bilang luklok ng Pamahalaan ng Australya, ang Canberra ay tahanan ng iba't ibang mahalagang institusyon ng pederal na pamahalaan, pambansang bantayog at museo. Pinatira nito ang lahat ng mga dayuhang embahada sa Australya, pati na rin ang punong tanggapang rehiyonal ng mararaming organisasyong pandaigdig, samahang hindi pangkalakalan, grupo ng lobbying, at propesyonal na asosasyon.

Ang Canberra ay nararanggo sa mga pinakamahusay na lungsod sa mundo para manirahan at dalawin. Maski ang Commonwealth Government ay pa pinakamalaking solong empleyador sa Canberra, pero hindi mayorya. Ang iba pang mga pangunahing industriya ay umunlad sa lungsod, kabilang ang pangangalaga sa kalusugan, mga serbisyong prupesyonal, pag-aaral at pagsasanay, tingi, tirahan, at pagkain, at konstruksiyon. Kumpara sa mga pamantayang pambansa, ang antas ng kawalang trabaho ay mas mababa at ang karaniwang kita ay mas mataas; Ang mga antas ng pag-aaral sa tersyarya ay mas mataas, habang ang tipon ay mas bata. Ayon sa Senso ng 2016, ang 32% ng mga naninirahan sa Canberra ay iniulat na ipinanganak sa ibang bansa.

Pangalan

Ang pangalang "Canberra" ay hango sa pangalan ng isang lokal na Ngunnawal na angkan kung sino tumira sa purok at tinukoy ng maaagang Britanikong kolonista bilang tribong Canberry o Nganbra. Si Joshua John Moore, ang unang Europeong may-ari ng lupa sa rehiyon, ay nagpangalan ng niyang pagbibigay ng lupa bilang "Canberry" noong 1823 dahil sa itong mga tao. Lumitaw ang "Canberry Creek" at "Canberry" sa rehiyonal na mapa noong 1830, yamang lumitaw ang pangalang "Canberra" noong 1857.

Sanggunian


Australya Ang lathalaing ito na tungkol sa Australya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://www.abs.gov.au/AUSSTATS/[email protected]/Lookup/3218.0Main+Features12017-18?OpenDocument

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.