DYRT
| Lungsod ng Cebu Pilipinas | |
|---|---|
| Lugar na pinagsisilbihan | Kalakhang Cebu at mga karatig na lugar |
| Frequency | 99.5 MHz |
| Tatak | Barangay LS 99.5 |
| Pagproprograma | |
| Wika | Cebuano, Filipino |
| Format | Contemporary MOR, OPM |
| Network | Barangay LS |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | GMA Network |
| DYSS Super Radyo GMA TV-7 Cebu GTV 27 Cebu | |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere | 1978 |
Dating call sign | DYLS (1978–1979) |
Dating pangalan |
|
Dating frequency | 97.1 MHz (1978–1979) |
Kahulagan ng call sign | Romantic Touch (dating bansag) |
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Class | A/B/C/D/E |
| Power | 25,000 watts |
| ERP | 75,000 watts |
| Link | |
| Webcast | Listen Live |
| Website | www.gmanetwork.com |
Ang DYRT (99.5 FM), sumasahimpapawid bilang Barangay LS 99.5, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng GMA Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa GMA Skyview Complex, Nivel Hills, Apas, Lungsod ng Cebu, at ang transmitter nito ay matatagpuan sa Mt. Bonbon, Lungsod ng Cebu.[1][2]
Kasaysayan
1978-1979: DYLS
Itinatag ang himpilang ito noong 1978 sa 97.1 MHz sa ilalim ng call letters na DYLS. Ito ang pangalawang himpilang rehiyonal sa FM na tinayo ng Republic Broadcasting System pagkatapos ng DXSS na nakabase sa Dabaw. Makalipas ng isang taon, nawala ito sa ere.
Noong 1992, binili ng AMCARA Broadcasting Network ang talapihitang ito at muli ito binalik sa ere.
1980-1995: Double 9.5 RT
Noong Pebrero 4, 1980, bumalik ito sa ere sa 99.5 MHz sa ilalim ng call letters na DYRT. Double 9.5 RT: The Romantic Touch ang tawag sa himpilang ito na binansagang "The Beautiful Music Station of Cebu" at may easy listening na format. Noong panahong yan, nasa 10/F Luym Bldg. along Plaridel cor. Juan Luna St. (now Osmeña Blvd.) ang tahanan nito. Noong 1990, lumipat ito sa GMA Skyview Complex sa Nivel Hills, Apas, at nagpalit ito ng format sa Top 40.
1995-2014: Campus Radio/99.5 RT
Noong Marso 1, 1995, kasabay ng paglunsad ng RGMA sa pamumuno ni Mike Enriquez, naging Campus Radio 99.5 RT ito na binansagang "Forever!". Makalipas ng dalawang taon, nung nasa pamumuno ni Bobby Nalzaro ang GMA Cebu, naging 99.5 RT ito na binansagang "Nindota-Ah!", na naging bansag ng mga himpilan sa FM ng RGMA sa Mindanao. Nagpalit ito ng format sa pang-masa.[3]
2014-present: Barangay
Noong Pebrero 17, 2014, naging Barangay RT 99.5 ito na may pangalawang bansag na "Isang Bansa, Isang Barangay". Mula noon, ilan sa mga programa ng punong himpilan nito na nakabase sa Maynila ay napapakinggan dito. Mula Abril 22, 2019 hanggang Disyembre 2021, nag-simulcast ng himplang ito ang programa ng DYSS Super Radyo na Bobby Nalzaro On Board: Saksi.[4]
Noong Abril 5, 2026, naging Barangay LS ito (mula sa pangunahing himpilan nito), at muli ito kinupkop ang "Nindota Ah!" bilang pangalawang bansag.
Mga sanggunian
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.