Daimyo

Ang daimyo o daimio, mula sa Hapones na daimyo (大名, daimyō) (daimyō, ay isang pinunong piyudal na nagmamay-ari ng lupa at mga panginoong militar, sa sinaunang Hapon.[1] Kasunod ng sugun, ang daimyo ang pinakamakapangyarihang tagapamahala sa Hapon mula ika-10 daantaon hanggang maagang ika-19 daantaon. Bagaman "dakilang pangalan" ang literal na kahulugan ng salitang daimyo, nagmula ito sa mga karakter na kanji: dai o "malaki" at myō (pinaiksing myōden) o "pangalan-lupa" o "pribadong lupain.[kailangan ng sanggunian]" Mula sa shugo ng kapanahunang Muromachi hanggang sa Sengoku at magpahanggang sa daimyo ng kapanahunang Edo, nagkaroon ng isang mahaba at iba't ibang kasaysayan ang ranggong ito. Minsan ding ginagamit ang salitang daimyo para tukuyin ang mga pangunahing taong kabilang sa mga angkan nito, na tinatawag ding "panginoon." Karaniwan, ngunit hindi natatangi, na nagmumula sa mga panginoong ng digmaang ito ang isang sugun o kaya napipili mula sa kanila ang isang rehiyente.

Kalimitang mga tagapagtanggap sila ng mga estado o lupain na ibinibigay sa ilang mga kasapi ng korte ng emperador. Naging makapangyarihan sila sa ilalim ng sentralisado o isinagitnang sistemang piyudal noong ika-17 daantaon. Bumaba ang kanilang kalakasan noong mga ika-19 daantaon. Nawala ang lahat ng kanilang mga pribilehiyo noong mabuwag ang sistema.[1]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 "Daimyo, daimio". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 373.

TaoKasaysayanHapon Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.