Deepspot
| Deepspot | |
The Deepspot facility | |
| Lungsod: | Mszczonów, Poland |
| Itinayo: | 2019–2020 |
| Binuksan: | December 2020 |
| Mga arkitekto: | Aerotunel |
Ang Deepspot ay isang palanguyan (swimming pool) at sentro ng pagsasanay sa pagsisid gamit ang Scuba , na matatagpuan sa Mszczonów, Polonya malapit sa Warsaw . Hawak nito ang pandaigdigang tala para sa pagiging pinakamalalim na palanguyan sa buong mundo sa lalim na 45 metro. [a]
Ang Deepspot ay dinisenyo bilang isang pook ng pagsasanay at pag-eensayo para sa mga taong may iba't ibang antas ng karanasan na nais na bumuo ng mga karagdagang kasanayan sa pagsisisid at paglangoy. Ito ay may lalim na 45 metro (148 tal) at naglalaman ng higit sa 8,000 metro kubiko (280,000 cu ft) ng tubig. Ang pasilidad ay binuksan noong Disyembre 2020 sa tinatayang gastos na 8.75 milyong euro ($ 10.6 milyong US dolyar) at ang paggawa ay inabot sa higit sa dalawang taon. Sa konstruksyon, 5,000 metro kubiko (180,000 cu ft) ng kongkreto at 1,000 tonelada (1,000,000 kg) na bakal ang ginamit upang ilikha ang palanguyan.
Ang pasilidad at languyan ay nagtatampok ng mga espesyal na katangian at anyo upang mapadali ang pagsasanay, kabilang ang mga pagganap (simulation) ng isang asul na butas na humahatak pababa sa pinakamalalim na punto ng languyan, artipisyal na mga yungib sa ilalim ng tubig at mga guhong arkeolohiko, at isang maliit na barkong nabagbag . Maaaring magmasid sa ilalim ng tubig ang mga manonood sa loob ng isang lagusan, at isang hotel na magkadugtong sa palanguyan na may mga silid sa ilalim ng tubig na may lalim na 5 metro.
Pangunahing layunin ng pasilidad ang libangan para sa pagsasanay sa paglangoy gamit ang scuba; gayunpaman, inaasahan din ng Deepspot na mag-alok ng pagsasanay at mga pasilidad para sa pulisya, bumbero, at tauhan ng militar na nangangailangan ng kahusayan sa mga disiplina sa teknikal at propesyonal na pagsisid at paglangoy.
Pag-aari ito ni Michal Braszczynski na nagmamay-ari rin ng FlySpot, sa Warsaw, Polonya. Bago ang pagbubukas ng Deepspot, ang Y-40 Deep Joy, bahagi ng Hotel Terme Millepini sa Montegrotto Terme, Italya ang pinakamalalim na palanguyan sa buong mundo. Ang Deepspot ang magiging ikalawa sa puwesto kasunod ng 50-metro na Blue Abyss na itinatayo pa sa Colchester, England .
Mga tala
- ↑ Ang itinuturing na pinakamalalim na palanguyan noong nakaraan ay hawak ng Y-40 "Deep Joy", sa Italyanong bayan ng Montegrotto Terme sa lalim na 42 metro (138 talampakan).
Mga Sanggunian
Mga kawingang panlabas
- Opisyal na websayt .
- Mga larawan ng Deepspot . Design Boom magazine
- Pagbubukas ng pinakamalalim na languyan sa mundo sa Poland . AFP News Agency (Bidyo).
- Ang pinakamalalim na languyan sa buong mundo . BBC News (Bidyo).
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.