Emilia-Romaña
Emilia-Romagna | |||
|---|---|---|---|
| |||
![]() | |||
| Mga koordinado: 44°45′N 11°00′E / 44.75°N 11°E | |||
| Bansa | |||
| Lokasyon | Italya | ||
| Ipinangalan kay (sa) | Romagna | ||
| Kabisera | Bologna | ||
| Bahagi | |||
| Pamahalaan | |||
| • Konseho | Legislative Assembly of Emilia-Romagna | ||
| • president of Emilia-Romagna | Michele De Pascale | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 22,123.09 km2 (8,541.77 milya kuwadrado) | ||
| Populasyon (2019) | |||
| • Kabuuan | 4,459,477 | ||
| • Kapal | 200/km2 (520/milya kuwadrado) | ||
| Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | IT-45 | ||
| Websayt | http://www.regione.emilia-romagna.it | ||
Ang Emilia-Romaña (pagbigkas [eˈmiːlja roˈmaɲɲa], Romagnol: Emélia-Rumâgna) ay rehiyong administratibo sa rehiyon ng Hilagang Italya, na binubuo ng rehiyong pang-kasaysayan ng Emilia at Romagna. Ang kabesera nito ay Bolonia.
Ang Emilia-Romaña ay isa sa pinakamayaman at pinakamaunlad na rehiyon sa Europa, na may ikatlong pinakamataas na kabuuang domestikong produkto per capita sa Italya.[1] Ang Bolonia, ang kabesera nito, ay may isa sa pinakamataas na mga indeks ngkaledad ng buhay ng Italya[2] at mga abaneteng serbisyong panlipunan. Ang Emilia-Romaña ay isa ring sentrong pangkultura, pang-ekonomiya, at panturista, na tahanan ng Unibersidad ng Bolonia, ang pinakamatandang unibersidad sa mundo;[3] naglalaman ng mga lungsod Romaniko at Renasimyento (tulad ng Modena, Parma, at Ferrara) at ang dating Imperyong Romanong kabesera na Ravena; sumasaklaw sa labing-isang pamanang pook ng UNESCO;[4] pagiging sentro para sa produksiyon ng pagkain at sasakyan (tahanan ng mga kompanya ng sasakyan tulad ng Ferrari, Lamborghini, Maserati, Pagani, De Tomaso, Dallara, at Ducati); at pagkakaroon ng mga sikat na resort sa baybayin tulad ng Cervia, Cesenatico, Rimini, at Riccione. Noong 2018, pinangalanan ng gabay ng Lonely Planet ang Emilia-Romaña bilang pinakamagandang lugar na makikita sa Europa.[5]
Mga pagkakahating pampangasiwaan
Ang Emilia-Romaña ay binubuo ng siyam na lalawigan. Bukod sa pagkakabuo ng Kalakhang Lungsod ng Bolonia, ang mga plano upang ang siyam na lalawigan ay gawing apat ay hindi itinuloy.

| Lalawigan | Sakop (km2) | Populasyon | Densidad (naninirahan/km2) | Rehiyon |
|---|---|---|---|---|
| Kalakhang Lungsod ng Bolonia | 3,702 | 1,011,291 | 262.9 | Emilia - Romaña |
| Lalawigan ng Ferrara | 2,632 | 357,471 | 135.8 | Emilia |
| Lalawigan ng Forlì-Cesena | 2,377 | 387,200 | 162.9 | Romaña |
| Lalawigan ng Modena | 2,689 | 686,104 | 255.1 | Emilia |
| Lalawigan ng Parma | 3,449 | 431,419 | 125.1 | Emilia |
| Lalawigan ng Plasencia | 2,589 | 284,885 | 110.0 | Emilia |
| Lalawigan ng Ravena | 1,858 | 383,945 | 206.6 | Romaña |
| Lalawigan ng Reggio Emilia | 2,293 | 517,374 | 225.6 | Emilia |
| Lalawigan ng Rimini | 863 | 325,219 | 377.0 | Romaña |
Mga sanggunian
- ↑ Regional GDP per inhabitant in the EU27: GDP per inhabitant in 2005 ranged from 24% of the EU27 average in Nord-Est Romania to 303% in Inner London.
- ↑ "Qualita' della vita: il dossier". Il Sole 24 ORE. Nakuha noong 28 November 2013.
- ↑ "Università di Bologna (oldest university in the world)". Virtual Globetrotting. 21 October 2006. Nakuha noong 28 November 2013.
- ↑ "UNESCO SITES in Emilia Romagna". UNESCO SITES in Emilia Romagna. 16 February 2017. Nakuha noong 13 April 2018.
- ↑ Planet, Lonely. "10 best places to visit in Europe in 2019". Lonely Planet.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.
