Feta

Ang kesong feta (Griyego: φέτα, kasariang pambabae; binibigkas na ˈfɛta [tiːˈʀiː]), o payak na feta lamang, ay isang uri ng keso. Karaniwan itong gawa mula sa gatas ng mga tupa o mga kambing. Ang kesong feta ay orihinal na nanggaling sa pangunahing lupain ng Gresya, o mula sa Lesbos na nasa Dagat na Aegeano. Mula noong 2007, ang ibang mga keso na karaniwang hindi nagmula sa Gresya na karaniwang yari mula sa gatas ng baka ay hindi na nararapat na tawagin bilang "feta". Ito ay ayon sa Hukuman ng Europa, batay sa mga pasya nitong C-465/02 at C-466/02 (mula Oktubre 25, 2005).
Kasaysayan
Ang tinatawag na ngayon bilang "kesong feta" ay nakikilala ng mga sinaunang Griyego. Maaaring nalalaman ito ni Homer. Mayroong ilang mga pagtukoy sa kesong ito sa Odyssey. Ayon sa mito, ang cyclops na si Polyphemos ang unang gumawa ng keso. Dinala niya ang gatas sa loob ng mga buslong yari sa balat ng hayop. Nakuha niya ang gatas mula sa kaniyang mga tupa. Nagulat siya nang, pagkaraan ng ilang mga araw, ang gatas ay tumigas. Nang sinubukan itong kainin ni Polyphemus, naging masarap ang lasa nito. Natuklasan din niya na ang ganitong solido o pamumuo ay hindi kaagad na nasisira, hindi katulad ng gatas na madaling mapanis.
Ang pangalang "feta" ay mayroong simulaing Italyano. Hinango ito mula sa fetta (manipis na putol o hiwa), at ipinetsang pabalik sa ika-17 daantaon. Mas malamang na tumukoy ito sa paraan ng paghiwa ng keso na maninipis ang putol upang mailagay ito sa loob ng mga bariles.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.