Hamog

Isang patak ng hamog sa isang dahon

Ang hamog ay ang tubig na nasa anyo ng maliliit na patak na nakikita sa mga manipis at naka-expose na mga bagay tuwing umaga o gabí dahil sa kondensasyon. Habang ang naka-expose na rabaw ay lumalamig sa pamamagitan ng pagre-radiate ng init nitó, kino-condense ito ng atmospheric moisture sa mas mataas na rate kung saan puwede itong sumingaw, na nagreresulta sa pagkabuo ng maliliit na patak ng tubig.

Kapag ang temperatura ay mababa, ang hamog ay nasa anyo ng yelo; ang anyong ito ay tinatawag na "andap" (frost).

Dahil ang hamog ay may kinalaman sa temperatura ng mga rabaw, sa hulíng bahagi ng tag-init mas madalî itong mabuto sa mga rabaw na hindi naiinitan ng pindaloy na init mula sa ilalim ng lupa, tulad ng damo, mga dahon, mga rehas, bubong ng mga kotse, at sa mga tulay.

Pagkabuo

Ang singaw ng tubig ay lumalapot upang maging maliliit na patak ng tubig depende sa temperatura. Ang temperatura kung saan nabubuo ang mga patak ng tubig ay tinatawag na dew point o punto ng hamog. Kapag ang temperatura ay bumabà, hanggang sa umabot sa dew point, ang atmosperikong singaw ng tubig vapor ay lumalapot upang maging maliliit na patak sa rabaw. Ang prosesong ito ang naghihiwalay sa mga hydrometeor (meteorolohikal na paglitaw ng tubig), na nabubuo nang direkta sa hangin na lumamig hanggang sa dew point nito, tulad ng mga ulop at ulap. Gayumpaman ang mga termodinamikang prinsipyo ng pagbuo ay parehas lang. Ang hamog ay kadalasang nabubuo sa gabí.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.