Hello Kitty
Si Hello Kitty (ハローキティ Harō Kiti) ang pinakakilala sa mga piksiyonal na karakter na ginawa ng kompanyang Hapones na Sanrio. Nakikilala si Hello Kitty, isang kakaiba at mausisang puting pusa sa kakaibang tali o ibang dekorasyon nito sa kanyang kaliwang tenga, at ang kawalan ng bibig, maliban sa animadong serye. Ginawa sa Hello Kitty noong 1974 ng Sanrio sa Tokyo, Hapon. Ipinarehistro noong 1976, kilalang tatak sa buong mundo si Hello Kitty.
Katangian
May malaking ulo at pulang laso sa kaniyang mga tenga ang pusang kartun-karakter subalit walang bibig. Kalahating-Hapones at kalahating-Ingles ang kaniyang itsura. Sinabi ng Sanrio na hindi siya binigyan ng bibig dahil nagsasalita siya mula sa puso sa halip na nagwiwika ng isang partikular na wika. Mas nararamdaman ng mga kabataan ng buong muno na kabahagi siya ng mga ito. Nagiging popular si Hello Kitty sa mga kabataang babaeng nagsisipag-aral noong mga dekada ng 1980. Noong mga 1990, lumikha ang kompanya ng mas maraming produktong may larawan ng pusa na mas magiging kaakit-akit sa mga kadalagahan. Sa ganitong paraan, mas mapapanatili ang kasikatan niya sa mga batang babaeng lumaking nakakakilala si Hello Kitty.
Kasikatan
Nasa mga may 50,000 mga produkto ang larawan ni Hello Kitty na ipinagbibili sa mga ibat ibang bansa. Nakatira siya sa cyberspace sa websayt ng Sanrio town. Ipinanganak siya noong Nobyembre 1 at naninirahan sa London kapiling ang kaniyang mga magulang at kakambal na kapatid na babae ring si Mimmy. Hilig niya ang maglakbay, musika, magbasa, at kumain ng mga cookie na niluto ng kaniyang kapatid na kuting.
Naging isang animadong karakter si Hello Kitty sa “Hello Kitty’s Furry Tale Theatre”, na ipinalabas sa mga telebisyon sa Estados Unidos noong 1987 at 1991.
Sanggunian
- The Independent, 21 Mayo 2008 pp. 22–23.
- Websayt ng Sanriotown Naka-arkibo 2022-04-07 sa Wayback Machine.
- Kasaysayan ng Hello Kitty Naka-arkibo 2007-04-02 sa Wayback Machine.
- PopCult magazine interview with Ken Belson, author of Hello Kitty: The Remarkable Story of Sanrio and the Billion Dollar Feline Phenomenon Naka-arkibo 2007-04-03 sa Wayback Machine.
- Cute, Inc. from Wired Magazine
- San Francisco Gate article Naka-arkibo 2006-12-31 sa Wayback Machine.
Mga kawing panlabas
- The Official Hello Kitty Website
- The Official Hello Kitty Community Website Naka-arkibo 2018-11-05 sa Wayback Machine.
- Hello Kitty Stump Village - serye sa Claymation TV
- Sanrio.co.jp Naka-arkibo 2006-11-29 sa Wayback Machine. - (wikang Hapon)
- Hello Kitty Happy Party Pals[patay na link] - sityo ng laro
- Lumang awiting pangtema
- Hello Kitty World Naka-arkibo 2010-08-02 sa Wayback Machine. - mga pagsusuri ng mga produktong Hello Kitty
- Crop Circle created by British artists circlemakers.org to celebrate Hello Kitty's 30th birthday
Silipin din
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.