Kintsugi

Pagkukumpuni (kanan) ng mangkok ng tsaa na Mishima ware, uri ng hakeme, na ginamitan ng kintsuging gintong laker, ika-16 na siglo

Ang kintsugi (/kɪnˈtsuːɡi/, Hapon: 金継ぎ, [kʲint͡sɯɡʲi], literal na "ginintuang pagdurugtong"), na kilala rin bilang kintsukuroi (金繕い, "gintong pagkukumpuni"),[1] ay ang sining Hapones ng pag-aayos ng mga sirang palayok sa pamamagitan ng pagsasama muli ng mga basag na bahagi gamit ang urushi na laker na binubudburan o hinahaluan ng pulbos na ginto, pilak, o platino. Ang pamamaraang ito ay katulad ng teknikang maki-e.[2][3][4] Bilang pilosopiya,itinuturing nito ang pagkabasag at pagkukumpuni bilang bahagi ng kasaysayan ng isang bagay, sa halip na isang bagay na dapat itago.[5]

Kasaysayan

Naging malapit na kaugnay ang kintsugi sa mga sisidlang seramiko na ginagamit sa chanoyu (seremonyang tsaa ng Hapon).[3] Isang teorya ang nagsasabing maaaring nagmula ang kintsugi noong ipinadala ng shōgun ng Hapon na si Ashikaga Yoshimasa ang isang sirang Tsinong mangkok ng tsaa pabalik sa Tsina para ipaayos noong huling bahagi ng ika-15 siglo. Nang ito ay ibinalik na kinumpuni gamit ang mga payak na metal na pangkabit, maaaring nag-udyok ito sa mga manggagawang Hapones na maghanap ng mas kaaya-ayang paraan ng pagkukumpuni.[2] Sa kabilang banda, ayon sa Bakōhan Saōki (isang tala tungkol sa mangkok ng tsaa na may “pang-ipit na malaking balang”), ang ganitong “kapangitan” ay itinuturing na nakapagbibigay-inspirasyon at mala-Zen, sapagkat ipinahihiwatig nito ang kagandahan ng mga sirang bagay. Dahil dito, ang mangkok ay lubos na pinahalagahan dahil sa malalaking metal na pangkabit na kahawig ng isang balang, at tinawag itong bakōhan (“pang-ipit na malaking balang”).[6]

Labis na nahumaling ang mga kolektor sa bagong sining kaya’t ang ilan ay naakusahan ng sadyang pagbasag ng mahahalagang palayok upang ito ay maayos gamit ang mga gintong dugtungan ng kintsugi. Posible rin na may mga piraso ng palayok na pinili dahil sa mga depormidad na nakuha nito habang ginagawa, at pagkatapos ay sadyang binasag at inayos, sa halip na itapon.[2]

Ginamit din ang teknikang kintsugi sa mga seramikong pirasong nagmula sa labas ng Hapon, kabilang ang Tsina, Biyetnam, at Korea.[7]

Pilosopiya

Sisidlang alak na Goryeo na may tuka at hawakan, na kinumpuni gamit ang gintong laker ng isang kolektor na Hapones noong unang bahagi ng ika-20 siglo

Bilang isang pilosopiya, kahalintulad ng pilosopiyang Hapones na wabi-sabi ang kintsugi, isang pagyakap sa di-kasakdalan.[8][9]

Pinahahalagahan ng estetikang Hapones ang mga bakas ng paggamit at pagkasira sa isang bagay. Maaari itong ituring na dahilan upang panatilihin ang isang bagay kahit ito’y nabasag na. Maaari rin itong maunawaan bilang pagbibigay-katwiran sa kintsugi mismo, na nagtatampok sa mga bitak at pagkukumpuni bilang bahagi ng kasaysayan ng isang bagay, sa halip na hayaang matapos ang silbi nito sa sandali ng pagkasira o pagkabasag.[10]

Maaaring makita ang pilosopiya ng kintsugi bilang isang bersiyon ng kasabihang: "Kung walang sayang, walang kulang."[11]

Maiuugnay ang kintsugi sa pilosopiyang Hapones na mushin (無心, "walang isip"), na sumasaklaw sa kawalan ng pagkakapit, pagtanggap sa pagbabago, at pagtanaw sa kapalaran bilang likas na bahagi ng buhay ng tao.[12]

Mga sanggunian

  1. "Definition of kintsugi" [Kahulugan ng kintsugi]. Definition-Of (sa wikang Ingles). Oktubre 28, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2022. Nakuha noong Oktubre 28, 2022.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gopnik, Blake (Marso 3, 2009), "At Freer, Aesthetic Is Simply Smashing" [Sa Freer, Ang Estetika ay Talagang Nakakamangha], The Washington Post (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2012.
  3. 3.0 3.1 "Golden Seams: The Japanese Art of Mending Ceramics" [Galeriyang Freer ng Sining], Freer Gallery of Art (sa wikang Ingles), Smithsonian, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-17, nakuha noong 3 Marso 2009.
  4. "Daijisen – 金継ぎとは – コトバンク". Kotobank. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 23, 2021. Nakuha noong Oktubre 28, 2022.
  5. "Kintsugi: The Centuries-Old Art of Repairing Broken Pottery with Gold" [Kintsugi: Ang Ilang-Siglong Sining ng Pagkukumpuni ng Sirang Palayok Gamit ang Ginto]. My Modern Met (sa wikang Ingles). 2017-04-25. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 10, 2018. Nakuha noong 2017-07-12.
  6. "Celadon porcelain bowl, named Bakōhan" [Mangkok na porselanang seladona, na pinangalanang Bakōhan]. e-Museum - National Treasures & Important Cultural Properties (sa wikang Ingles). National Institutes for Cultural Heritage. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 23, 2023. Nakuha noong 2023-04-02.
  7. "Golden Seams: The Japanese Art of Mending Ceramics" [Mga Ginintuang Tahi: Ang Sining ng Hapones sa Pagdurugtong ng mga Seramiko]. Smithsonian (sa wikang Ingles). Nobyembre 8, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 14, 2017. Nakuha noong 2014-04-05.
  8. Smith, Sophia (2015-08-17). "Kintsugi Is Recognizing Beauty in Broken Things | Make" [Kinikilala ng Kintsugi ang Kagandahan sa mga Sirang Bagay | Gawin]. Make: DIY Projects and Ideas for Makers (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-08-02. Nakuha noong 2017-07-12.
  9. Lippke, Andrea Codrington (Disyembre 15, 2010). "In Make-Do Objects, Collectors Find Beauty Beyond Repair" [Sa mga Bagay na Pinagkasya, Natatagpuan ng mga Kolektor ang Ganda sa Kabila ng Pagkasira]. New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2020. Nakuha noong 2014-04-05.
  10. Roma, Caterina (Abril 2013). "Kintsugi". Ceramic Review (260): 63.
  11. Kwan, Pui Ying (2012-11-20), Exploring Japanese Art and Aesthetic as inspiration for emotionally durable design [Paggalugad sa Sining at Estetika ng mga Hapones bilang inspirasyon para sa disenyong matibay sa emosyon] (PDF) (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-02-12, nakuha noong 2014-04-06
  12. Bartlett, Christy; Iten, Charly; Holland, James-Henry (2008). Flickwerk: The Aesthetics of Mended Japanese Ceramics [Flickwerk: Ang Estetika ng mga Inayos na Seramikang Hapones] (sa wikang Ingles). Ithaca, NY: Cornell University. ISBN 9783930090211. OCLC 605712918. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-02.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.