Lindol

Karamihan sa mga episentro ng lindol ay matatagpuan sa mga hangganan ng mga tektonikong plato, lalo na sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko.
Mapa ng mundo na nagpapakita ng litospero na hinati sa 15 pangunahing tektonika ng plaka.
Tektonika ng plaka mula sa NASA

Ang lindol ay ang pagyanig ng ibabaw ng Daigdig na dulot ng biglaang paglabas ng enerhiya sa litospero na lumilikha ng mga seismikong alon.[1] Nagkakaiba-iba ang intensidad ng mga lindol, mula sa mga napakahina na hindi maramdaman hanggang sa mga sapat na marahas upang makapaghagis ng mga bagay at tao sa ere, makapinsala sa mahahalagang imprastruktura, at magdulot ng malawakang pagkawasak sa buong mga lungsod.[2] Ang seismikong aktibidad ng isang lugar ay ang dalas, uri, at laki ng mga lindol na nararanasan dito sa loob ng isang partikular na panahon.[3] Ang seismisidad ng isang partikular na lokasyon sa Daigdig ay ang karaniwang antas ng seismikong enerhiyang napapakawalan sa bawat yunit ng bolyum.[4]

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng lalas na nanggaling sa ilalim ng lupa. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng pag-galaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kanyang pinanggalingan, ang pokus, sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may kinalaman sa pagyanig ng lupa.

Sanhi ng lindol

Ang Singsing ng Apoy ng Pasipiko.
Mga lindol sa mundo (1900–2013)
: Mga lindol na magnitud na ≥ 7.0 (lalim na 0–69km)
: Mga aktibong bulkan
Global map of subduction zones, with subducted slabs contoured by depth
Sona ng subduksiyon

Ang mga lindol, pagputok ng bulkan, pagkakabuo ng mga bundok at mga trench ng karagatan ay nangyayari sa mga hangganan ng tektonika ng plaka na tinatawag na mga fault. Ang mga lindol ay karaniwan sa mga sona ng subduksiyon. Ang San Andreas Fault sa California ang isang halimbawa ng hangganan na nagpapakita ng paggalaw sa kanan.Ang paggalaw ng mga tektonika ng plaka ay mula 0 hanggang 10 sentimetro kada taon..[5]. Ang subduksiyon ng Plaka ng Dagat Pilipinas ay nangyayari sa silangang margin ng kapuluan kasama ng trench ng Pilipinas at sa hilaga ang Trough ng silangang Luzon. Sa kanluran ng Luzon ang Plakas ng Sunda na pababa pasilangan kasama ng mga serye ng mga trench kabilang ang Trench ng Maynila sa hilaga. Sa hilaga at timog na terminasyon, ang subduksiyon ng Trench ng Maynila ay pinipigil ng pagbabanggaang arko kontinente sa pagitan ng arko ng Pilipinas at kontinental na margin ng Eurasya sa Taiwan at sa pagitan ng Blokeng Sulu-Borneo at Luzon sa Mindoro. Ang fault ng Pilipinas na may habang higit sa 1,200 km sa loob ng arko ng Pilipinas ay aktibo sa paglilindol. Ito ay nauugnay sa mga labis na malakas na lindol sa Pilipinas gaya ng Lindol sa Luzon noong 1990 na may magnitud na 7.6 noong 1990.[6] Ang Singsing ng Apoy ng Pasipiko ay isang direktang resulta ng tektonika ng plaka sa galaw, banggaan at pagkawasak ng plaka ng litospero sa ilalim at paligid ng Karagatang Pasipiko.[7] Ang mga banggaan ay lumilkha ng tuloy tuloy na serye ng mga sona ng subduksiyon kung saan ang mga bulkan at lindol ay nangyayari.

Magnitud

Ang malakas na enerhiya na nilalabas ng mga atomikong pagsabog o ng mga pagputok ng bulkan ay maaring makapagdulot ng lindol, ngunit ang mga pangyayaring ito ay maituturing na mahina at madalang. Mayroong sapat ng patunay na ang mundo ay hindi isang statik na planeta. Ayon din sa ilang pag-aaral, ang pang-ibabaw na kalatagan ng mundo ay umaangat paminsan-minsan. Patunay dito ang mga ilang sinaunang parte ng kalatagan ng mundo na noon ay nasa mababang lugar na ngayon ay may ilang metro na angat sa pinakamataas na antas ng alon. Sa kabilang banda naman, ay may pagkakataon din na nagkakaroon ng matinding pagbaba ng lupa. Karagdagan sa mga patayong pag-iiba na mga nabanggit ang pagkawala ng pagkakahanay ng mga bakuran o kalsada, at iba pang mga struktura na nagpapakita ng pahalang na paggalaw. Ang mga paggalaw na ito ay karaniwang maikakabit sa malalaking bitak sa pang-ibabaw na kalatagan ng mundo na tinatawag na fault.

Pagsasaliksik

Ayon sa mga siyentipikong nag-aaral ng seismolohiya, mayroong mga paraan upang masukat ang laki ng isang lindol – katindihan (Ingles: intensity) at kalakasan (Ingles: magnitude). Ang katindihan ay tumutukoy sa antas ng pinsala sa isang lugar na dulot ng isang lindol. Sa pagkakaroon ng mga seismograpo, naging malinaw ang pagkakaroon ng siyentipikong paraan ng pagsusukat batay sa seismikong talaan sa halip na paggamit ng mga walang katiyakang pansariling taya at opinyon na nakabatay lamang sa pinsala. Ang paraan ng pagsukat na ito ay tinatawag na kalakasan. Ito ay nakabatay sa masusing pagsusuri ng mga datos mga seismikong tala (at iba pang mga pamamaraan) para matantiya ang kabuuang halaga ng enerhiyang inilabas sa pinagmulan ng lindol.

Mga nangyaring lindol

Mga sanggunian

  1. Shearer, Peter M. (2019). Introduction to Seismology [Pagpapakilala sa Seismolohiya] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge. ISBN 9781316635742.
  2. Bolt, Bruce A. (2003). Earthquakes (ika-5 (na) labas). W. H. Freeman. ISBN 9780716756187.
  3. Lee, William H. K.; Jennings, Paul; Kisslinger, Carl; Kanamori, Hiroo, mga pat. (2002). International Handbook of Earthquake and Engineering Seismology. Academic Press. ISBN 9780124406520.
  4. Scholz, Christopher H. (2018). The Mechanics of Earthquakes and Faulting [Ang Mekanika ng mga Lindol at Pagka-fault] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge. ISBN 9781316681473.
  5. Read & Watson 1975.
  6. https://earthquake.usgs.gov/earthquakes/eventpage/us6000i5rd/region-info
  7. "Moving slabs". This Dynamic Earth. USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 1997-10-11. Nakuha noong 2022-08-06.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.