Menorah

Isang rekonstruksiyon ng Menorah sa Templo sa Herusalem na nilikha ng Temple Institute
Arko ni Tito na pagbibigay pugay sa pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Hudyo at pagkawasak ng Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Makikita ang mga bagay na kinuha ng mga Romano mula sa templo kabilang ang Menorah.
Menorah bilang pambansang emblem o simbolo ng estado ng Israel.
Isang rekonstruksiyon ng Arko ni Tito sa Beit Fatfusot, Tel Aviv, Israel.

Ang Menorah ( /məˈnɔːrə/; Ebreo: מְנוֹרָה Bigkas sa wikang Hebreo: [menoˈʁa]) ay inalalarawang sa Bibliyang Hebreo o Tanakh bilang isang may pitong sangay na candelabrum na ginamit sa Tabernakulo sa Templo sa Herusalem (Templo ni Solomon at Templo ni Herodes). Ang menorah ay isang simbong ng Hudaismo at diasporang Hudyo mula pa sa sinaunang panahon.[1] Ito ay isang pambansang emblem ng estado ng Israel. Ayon sa Bibliya, ito ay gawa sa dalisay na ginto at ang isang sariwang langis ng olibo au ginagamit upang sindihan ang mga lampara o sangay nito. Sa tradisyong Hudyo, ang Templo ni Solomon ay naglalaman ng sampung menorah na kinuha ng mga Babilonio sa ilalim ni Nabucodonosor II. Ang menorah ay nakalagay rin sa Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE at kinuha ng mga Romano ang gamit sa templo kabilang ang menorah. Ang mga representasyon ng menorah ay natuklasan sa mga libingang Hudyo at monumento mula ika-1 siglo. Ang menorah ay ginagamit sa Hanukah at may siyam na lampara at simbolo ng pagwawagi ng mga Hudyo laban sa Dinastiyang Seleucid noong ika-2 siglo BCE.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Birnbaum, Philip (1975). A Book of Jewish Concepts. New York: Hebrew Publishing Company. pp. 366–367. ISBN 088482876X.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.