Planetaryo

Isang gusaling planetaryo.
Halimbawa ng isang maliit na planetaryo.

Ang planetaryo[1] o planetaryum[2] (Ingles: planetarium) ay isang tanghalan o gusali kung saan makakatanaw ang isang tao ng mga gumagalaw na mga larawan ng kalangitan o kalawakan kabilang ang mga bituin at mga planeta.[3]

Paglalarawan

Kahugis ng itinaob na mangkok ang bubungan ng isang makabagong planetaryo. Makikita na ang loob ng simboryong ito ang isang bilog na panoorang pampelikula. Dito ipinapalabas ang mga tala at mga planeta habang gumagalaw. Mayroong mga palabas o panoorin ang planetaryo na nagpapakita ng kung paano natatanaw ng mga sinaunang mga tao ang kalangitan, sapagkat naglalagay ang mga naghanda ng palabas ng mga larawang-guhit ng mga hayop, tao, o diyos na kumakatawan sa mga konstelasyon o kapisanan ng mga bituin at mga tala.[3][4]

Terminolohiya

Hindi palagiang tumutukoy ang salitang planetaryo o planetarium sa isang pook na nagpapalabas ng kalangitan, kalawakan, mga bituin at mga planeta. Sa payak na kahulugan nito, maaari ring tawaging "planetaryo" ang isang modelo ng Daigdig na siya namang ini-inugan ng isang modelo ng Buwan; o kaya mga maliliit na modelo ng iba pang mga planeta, isa man o maramihan, na nagsisi-inog sa palibot ng Araw.[3]

Mga sanggunian

  1. English, Leo James (1977). "Planetaryo, mula sa Kastilang planetario". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. Literal na baybay ayon sa ortograpiya
  3. 3.0 3.1 3.2 "Planetarium". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
  4. "Constellation", kapisanan ng mga talà't bituin Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.