Propaganda
Ang pagpapalaganap ay isang uri ng patalastas,[1] kabatiran, o komunikasyon na may layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o kaya ng doktrina.[2] Halimbawa nito ang mga babasahin nagtataguyod o nagtatangkilik ng isang paniniwala.[2] Kabaligtaran ito ng impomasyong walang kinikilingan dahil, sa pinakapayak na diwa, ang propaganda ay naghaharap o nagpapakita ng kabatirang nakakaimpluwensiya sa madla. Kadalasang nagpaparating ang propaganda ng mga bagay na pinili, na maaaring isang pagsisinungaling sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtatanggal ng ibang mga kaalaman, upang maudyok o mahimok ang isang partikular na sintesis o langkap, o gumagamit ng mga mensaheng may "laman" upang makagawa ng pangdamdamin sa halip na rasyonal o makatwiran tugon sa kabatiran inihaharap. Ang nais na resulta ay ang baguhin ang asal patungo sa isang paksa mula sa puntirya o pinupukol na mga tao upang maisulong ang isang ahenda o layuning pampolitika. Maaaring gamitin ang propaganda bilang isang uri ng pagtutunggaling pampolitika.
Habang ang salitang propaganda ay nagkamit na malakas na negatibong konotasyon o pahiwatig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa mas pinakamapandayang mga halimbawa, ang propaganda, sa orihinal na diwa, ay walang pinapanigan o walang kinikilingan, at maaaring unawain bilang tumutukoy sa mga paggamit na pangkalahatang pinanghahawakan bilang medyo kaaya-aya o hindi nakakasama o hindi nakakapinsala, katulad ng mga mungkahi o rekomendasyon na pangkalusugang pampubliko, mga karatulang humihimok sa mga mamamayan na makilahok sa isang seksyo o halalan, o mga mensaheng nanghihikayat na mag-ulat ng mga krimen sa pulis, at iba pa.
Mga sanggunian
- ↑ Blake, Matthew (2008). "Propaganda". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.
- ↑ 2.0 2.1 Gaboy, Luciano L. Propaganda - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.