Pulsar


Ang pulsar (o pulsating star) ay isang uri ng bituing neutron na mabilis na umiikot at naglalabas ng mga bugso ng elektromagnetikong radiyasyon mula sa mga magnetic na pol nito.[1][2][3][4] Habang umiikot ang pulsar, maaaring dumaan sa direksiyon ng Daigdig ang mga bugso ng mga radiyasyon, kaya nakikita ang mga ito bilang regular na pulso.[5][6]
Nabubuo ang mga pulsar mula sa labi ng isang malaking bituin na sumabog bilang supernoba.[2][7] Dahil napakaliit at napakasiksik ang bituing neutron, maaari itong umikot nang napakabilis.[8] Ang malakas nitong larangang magnetiko ay tumutulong sa paglikha ng mga bugso ng radyasyon.
Maaaring makita ang mga pulsar gamit ang mga teleskopyong nakakakita ng iba't ibang uri ng radyasyon, tulad ng mga alon ng radyo, X-ray, at sinag gamma.[6][9][10] Ang regular na pulso ng ilan sa mga ito ay maaaring gamitin ng mga astronomo bilang napakatumpak na orasan sa kalawakan.
Ang unang pulsar ay natuklasan noong 1967. Natuklasan ito na sina Jocelyn Bell Burnell at Antony Hewish.[11][12] Nagtrabaho sila sa Unibersidad ng Cambridge.[13] Ang naobserbahang emisyon ay may mga pulso na pinaghihiwalay ng 1.33 segundo. Ang lahat ng mga pulso ay nagmula sa iisang lugar sa kalangitan.
Ang salitang pulsar ay nagmula sa pinagsamang salitang "pulse (pulso)" at "star (bituin)".[14] Sa madaling salita, ang isang pulsar ay gumaganap bilang isang parola sa kalawakan at kumukurap habang ito ay umiikot.[5]
Mga halimbawa ng mga kilalang pulsars
Ang mga pulsar ay pinangalanan gamit ang mga koordinasyon sa kalangitan na nagpapakita ng kanilang eksaktong lokasyon. Ang kanilang pormal na mga pangalan ay nagsisimula sa "PSR" (na nangangahulugang "pulsar") na sinusundan ng mga numero para sa kanilang posisyon sa kalangitan.[15] Narito ang ilang halimbawa ng mga kilalang pulsar:
- PSR B1919+21 - Dating tinawag na LGM-1, ito ang unang radyong pulsar na natuklasan noong Nobyembre 1967.[11][12]
- Lich (PSR B1257+12) - Ang unang pulsar na natuklasan na umiikot sa mga unang eksoplaneta.[16]
- Pulsar ng Alimango o Crab Pulsar (PSR B0531+21) - Isang pulsar na sikat sa pagbuo ng Nebulang Alimango (Crab Nebula).[17]
- Pulsar ng Vela o Vela Pulsar (PSR B0833-45) - Isang pulsar na may pinakamalakas na patuloy na pinagmumulan ng mataas na enerhiyang radyasyong gamma sa kalangitan.[18][19][20]
- PSR B0943+10 - Isang pulsar na natuklasan ng mga siyentipikong Sobyet noong Disyembre 1968, at kilala ito sa paglipat sa pagitan ng paraan ng paglabas ng mga radyasyong radyo at X-ray.[21]
- PSR J0348+0432 - Isang pulsar na ipinares sa isang puting unano bilang kasamang bituin, na bumubuo bilang isang sistemang bituing binaryo.[22][23][24]
- PSR J0737-3039 - Ang kauna-unahan at pinakatanyag na sistemang kambal na pulsar na natuklasan.[25][26][27]
- PSR B1620-26 - Isang pulsar na kinaroroonan ng PSR B1620-26 b, isa sa mga pinakamatandang mga eksoplaneta.[28]
- PSR J0952-0607 - Hawak nito ang rekord bilang ang pinakamabigat na pulsar na natuklasan.[29][30]
- PSR J1748−2446ad - Kilala ito bilang pinakamabilis na umiikot na pulsar, 716 beses bawat segundo.[31][32]
Galeriya
-
Ang eskematikong pananaw ng isang pulsar.
-
Ang laki ng isang pulsar kumpara sa Daigdig at isang puting unano.
-
Ang Vela Pulsar at ang nakapalibot nitong nebulang hangin ng pulsar.
-
Isang bidyo tungkol sa konsepto ng artista ng AR Scorpii, isang bituing binaryo.
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ "Pulsar | Cosmic Object, Neutron Star, Radio Wave Emission". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ 2.0 2.1 "What Are Pulsars?". Space.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Garner, Rob (2019-12-11). "NASA's NICER Delivers Best-ever Pulsar Measurements, 1st Surface Map". NASA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "PULSAR definition and meaning". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). 2026-06-29.
- ↑ 5.0 5.1 "Pulsars - NASA Science" (sa wikang Ingles). 2026-03-11. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ 6.0 6.1 "Pulsars Astronomy". National Radio Astronomy Observatory (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ van den Heuvel, E. P. J. (1993). "Formation and evolution of pulsars". In: Planets around pulsars; Proceedings of the Conference: 123–147. Bibcode:1993ASPC...36..123V.
- ↑ "Neutron Stars". astronomy.nmsu.edu. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ East, Peter W. (2024-08-09). "Pulsar detection & verification with small-aperture antennas". British Astronomical Association (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "Pulsar Timing Method". lco.global (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ 11.0 11.1 Hewish, A.; Bell, S. J.; Pilkington, J. D. H.; Scott, P. F.; Collins, R. A. (1968). "Observation of a Rapidly Pulsating Radio Source". Nature. 217 (5130): 709–713. Bibcode:1968Natur.217..709H. doi:10.1038/217709a0.
- ↑ 12.0 12.1 "First pulsar discovered". Guinness World Records (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "Who discovered the first pulsar?". starchild.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "PULSAR Definition & Meaning". Dictionary.com. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "Pulsars and neutron stars/Pulsar properties - Wikibooks". en.wikibooks.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Wolszczan, A.; Frail, D. A. (1992). "A planetary system around the millisecond pulsar PSR1257 + 12". Nature. 355 (6356): 145–147. doi:10.1038/355145a0.
- ↑ Karuppusamy, R.; Stappers, B. W.; van Straten, W. (2010). "Giant pulses from the Crab pulsar. A wide-band study". Astronomy and Astrophysics. 515: 11. arXiv:1004.2803. Bibcode:2010A&A...515A..36K. doi:10.1051/0004-6361/200913729.
- ↑ "Vela Pulsar - NASA" (sa wikang Ingles). 2013-01-07. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Helfand, D. J.; Gotthelf, E. V.; Halpern, J. P. (2001). "Vela Pulsar and Its Synchrotron Nebula". The Astrophysical Journal. 556 (1): 380–391. arXiv:astro-ph/0007310. Bibcode:2001ApJ...556..380H. doi:10.1086/321533.
- ↑ Ravisetti, Monisha (2023-10-05). "Pulsar surprises astronomers with record-breaking gamma-rays". Space.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-10-06. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Howell, Elizabeth (2013-01-24). "Weird Spinning Star Defies Explanation". Space.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-26. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "Einstein was right -- So far". EurekAlert!. 2013-04-25. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Vartanyan, Yu. L.; Grigoryan, A. K.; Shaginyan, A. A. (2015). "The pulsar PSR J0348-0432 and strange stars". Astronomy Letters. 41 (7): 343–350. Bibcode:2015AstL...41..343V. doi:10.1134/S1063773715070051.
- ↑ Anderson, Natali (2013-05-01). "Bizarre Pulsar-White Dwarf Pair Proves Einstein's Theory of Relativity | Astronomy". Sci.News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "First-Known Double Pulsar Opens up New Astrophysics". www.jb.man.ac.uk. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ "PSR J0737−3039, the first known binary system consisting of two pulsars". Explorando.info (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Burgay, M.; atbp. (2005). "The Highly Relativistic Binary Pulsar PSR J0737-3039A: Discovery and Implications". Binary Radio Pulsars. 328: 53. arXiv:astro-ph/0405194. Bibcode:2005ASPC..328...53B. doi:10.48550/arXiv.astro-ph/0405194.
- ↑ Thorsett, S. E.; Arzoumanizan, Z.; Taylor, J. H. (1993). "PSR B1620-26: A Binary Radio Pulsar with a Planetary Companion?". Astrophysical Journal Letters. 412: L33. Bibcode:1993ApJ...412L..33T. doi:10.1086/186933.
- ↑ Romani, Roger W.; Kandel, D.; Filippenko, Alexei V.; Brink, Thomas G.; Zheng, WeiKang (2022). "PSR J0952-0607: The Fastest and Heaviest Known Galactic Neutron Star". The Astrophysical Journal Letters. 934 (2): 6. arXiv:2207.05124. Bibcode:2022ApJ...934L..17R. doi:10.3847/2041-8213/ac8007.
{{cite journal}}: CS1 maint: unflagged free DOI (link) - ↑ Pultarova, Tereza (2022-07-26). "The heaviest neutron star ever observed is shredding its companion". Space.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-07-26. Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Berman, Bob (2015-05-29). "Weird Object: Neutron Star PSR J1748-2446 | Astronomy.com". Astronomy Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-16.
- ↑ Hessels, J. W. T.; atbp. (2006). "A Radio Pulsar Spinning at 716 Hz". Science. 311 (5769): 1901–1904. arXiv:astro-ph/0601337. Bibcode:2006Sci...311.1901H. doi:10.1126/science.1123430. S2CID 14945340.
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.