Pygmalion

Pagsasalarawan ni Jean Raoux ng salaysay ni Ovid

Si Pygmalion (/pɪɡˈmeɪliən/; Griyego: Πυγμαλίων, gen.: Πυγμαλίωνος) ay isang maalamat na tauhan sa Cyprus. Bagama't ang Pygmalion ay ang Griyegong bersiyon ng royal na pangalan Phoenician na Pumayyaton, siya ay higit na kilalá mula sa tulang salaysay ni Ovid na Metamorphoses, kung saan si Pygmalion ay isang manlililok na nahulog (napamahal) sa isang rebulto na nililok niya.

Sa Ovid

Sa salaysay ni Ovid, si Pygmalion ay isang manlililok na naglilok ng isang babae mula sa garing. Ayon kay Ovid, matapos makita ni Pygmalion ang mga Propoetide siya ay "hindi na interesado sa mga babae," ngunit ang rebultong nilikha niya ay napakarikit at makatotohanan na nahulog siya rito.

Dumating ang araw ng pista ni Aphrodite at si Pygmalion ay nagbigay ng alay sa altar ni Aphrodite. Natahimik siyang humiling ng isang nobya na magiging "ang buháy na katawan ng kaniyang babaeng garing". Nang makauwi siya, hinalikan niya ang kaniyang rebultong garing, at naramdaman niya na ang mga labi nitó ay medyo mainit. Hinalikan niya ito muli at naramdaman niya na nawala na tigas nitó. Tinupad ni Aphrodite ang hiling ni Pygmalion.

Pinakasalan ni pygmalion ang rebultong garing na naging tunay na babae na sa ilalim ng pagbabasbas ni Aphrodite. Sa salaysay ni Ovid, nagkaroon sila ng anak na babae, si Paphos, kung saan nakuha ang pangalan ng lungsod.

Sa mga ibang bersiyon, si Paphos ay isang anak na laláki, at nagkaroon din sila ng anak na babae, si Metharme.

Tingnan din

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.