Rubella
- Huwag itong ikalito sa rubeola, isa pang uri ng tigdas.
Ang rubella o tigdas-hangin[1] (Ingles: rubella, German measles, o three-day measles[2]), ay isang uri ng karamdaman na dulot ng birus na rubella at maaaring maging isang sakit na malubha. Ang pangalang "rubella" ay hinango mula sa wikang Latin na may kahulugang "maliit na pula". Isa itong uri ng tigdas na nagtatagal nang tatlong mga araw.[2] Ang sakit na ito ay nagdurulot ng singaw sa balat at pamamantal, banayad na lagnat, at artritis. Ang pagkakaroon ng artritis dahil sa rubella karaniwan at karamihang nangyayari sa mga babae. Kapag ang isang babae ay nagkaroon ng rubella habang siya ay nagdadalangtao, ang babaeng ito ay maaaring makunan (malaglagan ng sanggol magmula sa sinapupunan ng ina), o kaya ay maaaring magluwal ng isang sanggol na may mga depektong malulubha.[3][4]
Pagkahawa at pagkalat
Ang rubella ay kumakalat sa ibang mga tao sa pamamagitan ng hangin, subalit maaari rin tiong makuha dahil sa pagiging malapit sa isang tao na naimpeksyon na.[4]
Bakuna at pag-iwas
Maiiwasan ang rubella sa pamamagitan ng pagpapabakuna na ginagamit ang bakunang MMRVi am. Maaaring ibigay ang bakuna sa mga bata at sa mga taong nasa hustong gulang rin. Nang wala pang mga bakuna, ang rubella ay napaka karaniwan, lalo na sa mga bata. Kung ihihinto ang programa ng pagbabakuna laban sa rubella at ang iba pang mga sakit na nabanggit, magbabalik ang paglaganap ng mga sakit na ito.[4]
Mga sanggunian
- ↑ TIGDAS HANGIN Naka-arkibo 2013-04-26 sa Wayback Machine., KALUSUGAN PH
- ↑ 2.0 2.1 Neighbors, M; Tannehill-Jones, R (2010). "Childhood diseases and disorders". Human diseases (ika-ika-3 (na) labas). Clifton Park, New York: Delmar, Cengage Learning. pp. 457-79. ISBN 978-1-4354-2751-8.
- ↑ BAKUNA LABAN SA MMRV (TIGDAS, BIKI, RUBELLA at VARICELLA) ANG KAILANGAN NINYONG MALAMAN, immunize.org
- ↑ 4.0 4.1 4.2 Bakuna sa MMR (Measles, Mumps, & Rubella) Ano ang Kailangan Mong Malaman
Content Disclaimer
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
- The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
- There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
- It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
- Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
- Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.