Seguro

Nakaturo papunta rito ang mga salitang "siguro" at "sigurado" o ibang pang katulad at kahalintulad ng mga salitang ito. Para sa may kahulugang may kaugnayan sa paniniyak o pagtitiyak, tingnan ang Katiyakan.

Ang seguro (Ingles: insurance) ay isang kataga sa batas at sa ekonomika. Isa itong bagay na binibili ng mga tao upang maprutektahan ang kanilang mga sarili magmula sa pagkawala ng pera. Ang mga tao na bumibili ng seguro ay nagbabagay ng tinatawag na isang premium o prima (may literal na kahulugang ganti, ganting pala, pabuya)[1] at nangangakong mag-iingat (ang tinatawag na duty of care o "tungkulin ng pag-iingat"). Bilang kapalit nito, kapag mayroong nangyaring masama sa isang tao o bagay na nakaseguro, ang kompanyang nagbenta ng seguro ay pabalik na magbabayad ng salapi. (Subalit, mayroong ilang mga pagkakataon na ang kompanya ay hindi kinakailangang magbayad na pabalik, katulad nang kung ang tao ay hindi naging maingat.)

Mga uri ng seguro

Maraming iba't ibang mga uri ng seguro. Ang isang uri ang tinatawag na seguro sa sunog (fire insurace). Binabayaran nito ang mga tao kapag ang kanilang ari-arian ay nasunog at natupok ng apoy. Ang isa pang uri ng seguro ay ang seguro sa buhay (life insurace), na nagbabayad ng pera sa ibang tao (tinatawag na beneficiary, ang "benepisyaro" o ang "makikinabang", "ang pinag-uukulan ng pakinabang"[2]) kapag ang tao na mayroong seguro sa buhay ay namatay o nagkaroon ng malubhang karamdaman.

Mga aktuwaryo

Ang aktuwaryo (mga actuary sa Ingles, na nagiging actuaries kapag maramihan) ay ang mga tao na umaalam kung magkano ang halaga ng prima o premium na babayaran ng nagpapaseguro. Binabalanse o tinitimbang nila kung magkano ang maaaring dapat bayaran ng nagpapaseguro laban sa mga pagkakataon o mga tiyansa ng pagiging dapat nilang bayaran (laban sa kung magkano ang maaari nilang ilabas na pera bilang kabayaran). Kapag inisip ng aktuwaryo na mayroong isang malaking pagkakataon na ang kompanya ay maaaring magbayad o maglabas ng pera bilang bayad, gagawin niyang mas mataas ang halaga ng prima.

Mga sanggunian

  1. premium Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  2. beneficiary[patay na link], bansa.org

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.