Taurus

Taurus at the Wisconsin State Capitol

Ang Taurus o Damulag ang pangalawang signo ng sodyak. Pinamumunuan ito ng buntalang Venus, ang buntala ng kagandahan. Gusto ng mga Taureano ang mga karangyaan sa buhay at karaniwang itinutuon nila ang kanilang mga lakas para makamit ang mga karangyaang ito. Nakatuon din sila sa paglikom ng maraming pera. Pinagtutuunan talaga nila ng pansin ang mga bagay na makakapuno sa kanilang mga pangangailangan gaya ng kasiyahan, karangyaan at kayamanan.

Binibigyang halaga ng mga Taureano ang mga magaganda at magagarang bagay sa musika, sining at pananamit. Matatag ang katayuan ng mga taong ito at talagang mapagkakatiwalaan yun nga lang medyo may katigasan ang kanilang mga ulo.

Ilan sa mga katangian ng Taurus ay praktikal, sakim, pasensyoso, materyalistik, tamad, hindi umaayaw, at masyado silang tapat sa kanilang mga kaibigan na pati mga problema ng kaibigan nila ay inaako din nila. Grabe magselos din ang mga Taurus. Medyo may kabagalan ang mga ito pero parati nilang natatapos ang kanilang mga sinisimulang mga bagay.

Magagaling silang magplano, at gagawin nila ang lahat maisakatuparan lang ang kanilang mga plano.

  • Namumunong Buntala: Venus
  • Pinamumunuan: Tunay na pinuno ng Pangalawang Bahay
  • Kalidad: Fixed
  • Elemento: Lupa
  • Pagsasalarawan: Mga Pag-aari
  • Katanyagan: Mapagkakatiwalaan
  • Depekto: Katigasan ng ulo,

Kung ang Taurus ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay sa sodyak, o kung meron mang buntala ay nasa Taurus, ang suliranin ng Bahay na iyon o ng buntalang iyon ay naiimpluwensiyahan ng pagkakakitaan, usad-pagod na pag-unlad, mabagal pero biglang kikilos kung kinakailangan, makasaraling pagkilos at mga inaasam.

Galeriya

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.