Tribo

Ang tribo o tribu ay pangkasaysayan o pangkaunlarang tinataw bilang isang pangkat na panlipunan na umiiral bago pa man ang pag-unlad ng, o nasa labas ng, estado. Maraming mga antropologo ang gumagamit sa katagang "lipunang makatribo" o "lipunang matribo", na nakikilala sa Ingles bilang tribal society, upang tukuyin ang mga lipunang naiayos nang malakihan batay sa pagkakamag-anak (pagiging magkakamag-anak), natatangi na ang mga pangkat ng samahan ng mga angkan o mga kanunu-nunuan. Binibigyan ng kahulugan ng tradisyunal na henealohiya ang mga tribo bilang mga pangkat na mayroong karaniwang ugnayan sa "dugo" (mga kadugo o mga kapamilya).[1]

Mayroong ilang mga teorista ang humahawak na ang mga tribo ay kumakatawan sa isang yugto ng ebolusyong panlipunan (ebolusyong sosyokultural) na pansamantalang nasa pagitan ng mga kapangkatang panlipunan at ng mga estado. Mayroong ibang mga teoristang nangangatwiran na ang mga tribo ay umunlad pagkaraan ng mga estado, at dapat na unawain batay sa kanilang kaugnayan sa mga estado.

Ang 'tribo' ay isang pinagtatalunang kataga dahil sa mga pinag-ugatan nitong nasa loob ng mga haligi o mga pundasyong pang-antropolohiyang pangkolonya at dahil sa mga pahiwatig ng mga kahulugang pangkahanayan o paglalarawang panghirarkiya nito.[2][3][4][5] Upang maiwasan ang ganitong mga kahihinatnan, mayroong ilang mga tao na mas pinipili ang paggamit ng mga katagang pangkat etniko o kaya ay nasyon.[2][3][4][5]

Ang katagang "tribo" ay ginamit ng mga dayuhang mananakop upang tukuyin ang mga pangkat ng mga taong kanilang sinakop na, sa pananaw nila, ay may mababang antas ng kabihasnan o kultura kumpara sa kanila. Isa itong katagang pangmamaliit o panghahamak. Sa pagtinging ang mga tao anuman ang pangkat na kinabibilangan o pamamaraan ng pamumuhay, mas naangkop ang katawagang pangkat etniko.

Mga sanggunian

  1. Motohiro, Ono (Marso 2011). "Reconsideration of the Meanings of the Tribal Ties in the United Arab Emirates: Abu Dhabi Emirate in Early ʼ90s" (PDF). Kyoto Bulletin of Islamic Area Studies. 4–1 (2): 25–34. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 3 Nobiyembre 2013. Nakuha noong 17 Abril 2013. {{cite journal}}: Check date values in: |archive-date= ()
  2. 2.0 2.1 "What is in the word tribe?". Pambazuka. 22 Enero 2008. Nakuha noong 4 Oktubre 2012.
  3. 3.0 3.1 "IC Publications | Opinions". Africasia. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2012. Nakuha noong 4 Oktubre 2012.
  4. 4.0 4.1 "Talking about "Tribe" - Africa Action: Activism for Africa Since 1953". Africa Action. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong 2012-10-04.
  5. 5.0 5.1 "What's Wrong with the Word "Tribe"?". MADRE. 5 Pebrero 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2012. Nakuha noong 4 Oktubre 2012.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.