Jordan

Para sa ibang mga gamit, tingnan Jordan (paglilinaw).
Hashemite Kingdom of Jordan
المملكة الأردنية الهاشمية
Al-Mamlakah al-Urdunniyyah al-Hāšimiyyah
Watawat ng Jordan
Watawat
Eskudo ng Jordan
Eskudo
Awiting Pambansa:  عاش المليك
As-salam al-malaki al-urdoni  (transliterasyon)[1]
Mabuhay ang Hari ng Jordan
Location of Jordan
KabiseraAman
Pinakamalaking lungsodcapital
Wikang opisyalArabo
PamahalaanMonarkiyang konstitusyonal
• Hari
Abdullah II of Jordan
Jafar Hassan
Kalayaan
25 Mayo 1946
Lawak
• Kabuuan
89,342 km2 (34,495 mi kuw) (ika-112)
• Katubigan (%)
negligible
Populasyon
• Pagtataya sa Hulyo 2007
5,924,000 (ika-110)
• Senso ng 2004
5,100,981
• Densidad
64/km2 (165.8/mi kuw) (ika-131)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$27.96 billion (ika-97)
• Bawat kapita
$4,900 (ika-103)
Gini (2002–03)38.8
katamtaman
TKP (2004)0.760
mataas · ika-86
SalapiDinar (JOD)
Sona ng orasUTC+2 (UTC+2)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (UTC+3)
Kodigong pantelepono962
Kodigo sa ISO 3166JO
Internet TLD.jo

Ang Jordan[2] (Espanyol: Jordania, Arabo: المملكة الأردنّيّة الهاشميّة, al-Mamlaka al-Urduniyya al-Hāshimiyya; internasyonal: Hashemite Kingdom of Jordan) ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya. Hinaharangan ito ng Sirya sa hilaga, Iraq sa hilagang-silangan, Israel at Kanlurang Pampang sa kanluran, at Arabyang Saudi sa silangan at timog.

Binabaybay ito kasama ng Israel ng Golfo ng Aqaba (kilala din bilang Golfo ng Eylat) at ng Patay na Dagat.

Pinagmulan ng pangalan

Nakuha ng Jordan ang pangalan nito mula sa Ilog Jordan, na bumubuo sa halos lahat ng hangganan sa hilagang-kanluran ng Jordan.[3] Bagama't may ilang teorya para sa pinagmulan ng pangalan ng ilog na iminungkahi (tulad ng kaugnayan sa salitang hiram ng Ehipto na 'yǝʾor'; 'malaking ilog', ang Nilo),[4], pinaka-posible na nagmula ito sa salitang Semitiko na 'Yarad' (ירד; 'dumadaloy pababa' o 'bumaba'), na tumutukoy sa pagbaba ng ilog[5] at may mga kaugnay na matatagpuan sa Arabe, Aramaiko, Hebreo, Mandaic, atbp.[5]

Ang pinakamaagang paggamit ng pangalan ay matatagpuan sa sinaunang Ehipto Papyrus Anastasi I bilang Yārdon, na malamang ay mula pa noong panahon ng paghahari ni Rameses II.[6] Malaking bahagi ng lugar na bumubuo sa modernong Jordan ay dating tinatawag na Transjordan, na nangangahulugang "sa kabila ng Jordan"; ang tawag ay ginagamit upang tukuyin ang mga lupain sa silangan ng ilog.[5] Ginagamit ng Bibliyang Hebreo ang tawag עבר הירדן Ever ha'Yarden (literal na 'ang kabilang panig ng Jordan') para sa lugar.[5] Tinatawag ng sinaunang kronikang Arabo ang ilog na Al-Urdunn (isang terminong kaugnay ng Hebreong Yarden).[7] Ang Jund Al-Urdunn ay isang distrito militar sa paligid ng ilog noong unang bahagi ng panahon ng Islam.[7] Kalaunan, noong panahon ng mga Krusada sa simula ng ikalawang milenyo, isang kaharian ang itinatag sa lugar sa ilalim ng pangalang Oultrejordain.[8]

Mga teritoryong pampangasiwaan

  1. Ajloun Governorate (1994)
  2. Amman Governorate
  3. Aqaba Governorate (1994)
  4. Balqa Governorate
  5. Irbid Governorate
  6. Jerash Governorate (1994)
  7. Karak Governorate
  8. Ma'an Governorate
  9. Madaba Governorate (1994)
  10. Mafraq Governorate
  11. Tafilah Governorate
  12. Zarqa Governorate

Talababa

  1. Nagsisilbi ring Royal anthem.
  2. https://diksiyonaryo.ph/search/jordan
  3. "The World Fact book – Jordan". CIA World Factbook. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 February 2023. Nakuha noong 15 June 2018.
  4. Rahkonen, Pauli Ensio Juhani (11 October 2016). "'Canaanites' or 'Amorites'? A Study on Semitic toponyms of the second millennium BC in the Land of Canaan". Studia Orientalia Electronica. 4: 108–130. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 July 2018. Nakuha noong 25 July 2018.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 Mills, Watson E.; Bullard, Roger Aubrey (1990). Mercer Dictionary of the Bible. Mercer University Press. pp. 466–467, 928. ISBN 9780865543737. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 October 2017. Nakuha noong 15 June 2018.
  6. Aḥituv, Shmuel (1984). Canaanite toponyms in ancient Egyptian documents. Magnes Press. p. 123. ISBN 978-965-223-565-7. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 October 2017. Nakuha noong 15 June 2018.
  7. 7.0 7.1 Le Strange, Guy (1890). Palestine Under the Moslems: A Description of Syria and the Holy Land from A. D. 650 To 1500. Alexander P. Watt for the Committee of the Palestine Exploration Fund. p. 52. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 October 2010. Nakuha noong 15 June 2018.
  8. Nicolle, David (1 November 2008). Crusader Warfare: Muslims, Mongols and the struggle against the Crusades. Hambledon Continuum. p. 118. ISBN 9781847251466. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 April 2023. Nakuha noong 15 June 2018.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.